jump to navigation

reunited July 14, 2008

Posted by bangad in lakbay-diwa, pilipinas, rakrakan.
trackback

paksyet! hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. hindi ko alam kung ano ang ipa-prioritize ko. kung sino ang mas matimbang at mas may importansya. hindi ko naman inaasahan na mamamangka ako sa dalawang ilog. sana dalawa na lang ang puso ko. at sana kaya kong pagkasyahin ang oras ko dahil ayokong dumating sa punto na mapipilitan akong pumili kung sino ang mas matimbang – ito bang nauna…

o itong reunion concert na ito?

oo hindi ako nagkakamali at hindi ito pantasya lamang. totoo ang nababasa ninyo na meron ngang reunion concert ang paborito kong banda. rock disciples all over the philippine archipelago are awaiting this eheads 2nd coming. kung saan at papaano makakuha ng tickets, ay hindi ko alam. basta nasa alapaap pa rin ako dahil at long last ay magkakasama sama sila uli sa iisang tugtugan at rakrakan. makikibalita na lang ako sa mga bubuwit ko na mga panatiko din. sana makapunta talaga ako. lord, help me to discern….puulllleaseee!

Comments»

1. ivy h. - July 15, 2008

lechugas! hindi nga? NOOD TAYO! shux. malaking part sila ng puberty ko, wahaha:) alapaap, overdrive, torpedo, huwag mo nang itanong… waaaaah!!!

2. bangad - July 15, 2008

honga, happy days are back even only for 1 day. kaka-miss!

ano nga kaya ang gagawin ko – lilipad o tatakbo? ano sa tingin mo?

3. ivy h. - July 15, 2008

lipad na! tumingin ako sa cebu pac, SGD 241 ang 2-way ticket. promo kasi! ang takbo, magagawa yan everyday. ang lipad, minsan lang! ano game??? poverty level na naman ang mga OFW nito, wahaha:)

4. bangad - July 16, 2008

sige lesgo! pakiramdaman natin kung makakakuha tayo ng free tickets tapos ibrodkas na din sa mga amigo’t amiga. baka interesado din silang makipagrakrakan


Leave a comment