jump to navigation

stock exchange November 18, 2008

Posted by bangad in palakasan, singapura.
1 comment so far

eto ang pinagkakaabalahan ko lately. sa hindi maipaliwanag na dahilan, sampu ng mga katropa ko ay sinubukan na laruin ang NBA Stock Exchange. very similar ito sa actual stock market pero ang kaibahan lang nito bukod sa naka-base lahat sa NBA players na bibilhin mo ang kikitain para tumaas ang team value ay meron ka dapat ma-accumulate na fantasy points. bale meron kaming sariling league at sampung traders kaming naglalaban laban at para gumanda ang standings ay kelangan na magkaroon ka ng fantasy points per day. so far nasa 7th position ako since di ako masyadong umiiskor ng fantasy points sa ngayon kasi ang focus ko ay tumaas muna ang team value ko. the more na mataas ang team value mo ay mas magkakaroon ka ng purchasing power na makabili ng mamahaling players. the league is up to april 2009 kaya mahaba-haba pa ang panahon para makahabol sa top spot. pot money is around $180 plus yung top 3 managers will enjoy a free buffet dinner. madalas puyat ako dahil US eastern time ang trading at although hindi naman ganun kalaki ang mapapanalunan ay matututo ka paano mo paiikutin ang pera mo kapag nasa actual stock market ka na.

o sya, balik muna ako uli sa trading floor.

bespren November 12, 2008

Posted by bangad in lakbay-diwa.
2 comments

kanina habang pauwi ako ng bahay sakay ng mrt, bigla ko lang natanong sa sarili ko bakit ako walang bestfriend. kung anu ano na lang kasi ang naisip ko kanina sa biyahe dahil na-lobat lahat ng mga paraphernalia na binubutingting ko tuwing binabagtas ko ang coast to coast na mrt ride.

mabalik nga tayo sa tanong ko. oo nga, bakit nga kaya sa loob ng dalawampu’t siyam na taong paglalagi ko sa mundong ibabaw eh hindi man lang ako nakaranas na magkaroon ng tinatawag nilang best friend, samantalang yung iba mga dalawa, tatlo, apat o lagpas pa sa sampu ang bespren nila. kung magkagayon eh hindi na best friend ang tawag dun kasi kung pagbabasehan mo sa grammar, eh nag-iisa at walang makakatalo sa lahat pag sinabing best. mga idiot. i digress. siguro nga factor talaga yung pagiging close ko sa family ko kaya di na ako naghanap pa ng ibang outlet para maihinga ko kung ano man ang nasa saloobin ko. kung kailangan ko ng makikinig sa akin, andiyan ang dalawang tsismosang ate ko para masabihan ng problema na madalas ay naidadaldal din sa nanay ko. ang nanay ko naman, kung kelangan ko ng mauutangan, bibigyan naman ako ng ipanggagastos; at kung kelangan ko ng tunay na pag-aaruga, andyan naman siya para yakapin ako. at sa tuwing nabubugnot ako at kailangang madaluyan ng alak ang lalamunan ko, eh andyan naman ang tatay ko para makapag-toning sa buong magdamag na minsan ay nagtatapos pa sa masayang pakikipaglandian sa loob ng beerhouse. ganyan ako ka-close sa buong pamilya ko kaya naman hindi na din ako naghanap pa ng ibang outlet dahil sila pa lang ay maituturing ko nang mga kaibigan. kaya ngayon eh nami-miss ko talaga ang company nila.

siguro hindi rin talaga uso sa mga lalake ang pagkakaroon ng bespren. bibihira. well, may mga ilan ding lalaki na mag-bespren, na nahuhubog ang pagkakaibigan sa iisang baso na tinatagayan, ngunit hindi ganun ka-showy kung ikukumpara sa lalaki at babae na magbespren. mas marami akong kakilala na ganito. merong magbespren, kasi parang ate o kuya ang turing nila sa isa’t isa. sa mga lalaki siguro kaya mas feel nilang maging bespren ang mga babae dahil mas at ease sila na magsabi ng problema nila kasi alam nilang hindi sila makakantiyawan na ambaduy nila. minsan nga para din silang magsyota kasi meron din silang mga endearments – buddy, syuts, brod, pare or simply bespren. may iba naman na sa una ay magbespren tapos biglang magkaka-inlaban. yun ang sa tingin ko ang tunay na depinisyon ng bantay salakay.

ako, hindi man ako nagkaroon ng bespren, sapat na siguro sa akin na sa araw araw na pakikisalamuha ko sa buhay ay may mga taong pinapadala ang tadhana para maging makulay ang lahat ng bagay. sapat na rin na sa tuwing gabi bago matulog habang pinagmumuni-muni ang mga dagok sa buhay, kinabukasan ay parang ang gaan dahil somewhere out there, alam mo na merong gumagabay.

ikaw, sino’ng bespren mo doon?

lows and highs October 17, 2008

Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, singapura.
add a comment

buong maghapon ako ngayon sa raffles hospital. o di ba, sosyal na ako hindi na lang sa normal na pagamutang bayan nagpa-checkup kundi sa semi-government na ospital na. cozy ang dating ng raffles parang nasa isang office buliding ka lang. siyempre 2nd time ko na itong pumunta ngayong linggong ito para sa lab tests ko. may option daw ako na magpa-confine muna habang hinihintay ang mga resulta para at least ma-monitor na din daw ang kalagayan ko or pwede naman daw na outpatient. hindi ko kinagat ang unang mungkahi ng doktor at mas pinili ko na lang na maghintay na lang sa ospital, siguro dahil na rin sa may trauma pa ako simula ng ma-confine ako dito anim na buwan na ang nakakalipas. medyo hindi na ako excited sa resulta ng mga lab tests ko dahil anticipated ko na ang mga mangyayari at tama nga ang mga hinala ko:

eto ang mga pangunahing dahilan kung bakit sick leave ako ng tatlong araw. ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit umaatake ang seizures ko dahil nagiging abnormal ang daloy ng dugo at fluids papunta sa utak ko (yung cholesterol levels ko – triglycerides at LDL o mas kilala sa tawag na bad cholesterol, effect na lang yan tuwing may irregularities sa potassium at sodium levels ko. dati uric acid naman ang sumirit ng todo). sabi nga ng tatay ko, “anak, sa liit mong yan, hindi pa rin nakakadaloy ng maayos ang dugo at tubig mo sa katawan? paano na kaya ang mga basketball players?”…ang gago noh, may pinagmanahan. kaya ngayon puno na naman ang pridyider ng ng saging, mansanas at gatorade. swerte pa nga ako kasi ngayon hanggang sakit ng ulo lang ang nararamdaman ko at madalas ang pagidlip from time to time kaya hindi ko iniinda ito. malaking kaibahan ito sa seizure attack ko 5 years ago kung saan madalas daw akong nakatulala sa kawalan at ang masaklap pa nito ay maghapon akong nakasuot ng elbow at knee pad at helmet dahil madalas akong mawalan ng malay. feeling ko nga isa ako sa mga skateboard kid or yung mga tinatawag nilang trasher para mas sikat. cool di ba?

pero sa lahat ng pinakagusto kong resulta tuwing ganito ang sitwasyon ko ay ang pagbaba ng timbang ko. from 54 kilos eh naging 51 na lang ako in 3 days!!! walang sinabi ang mga lose weight program na yan kaya hindi ko pinagpapapansin. daig pa din ang paggi-gym dahil pakala kalahating kilo lang ang nababawasan sa akin maski ilang oras sa isang linggo kong pinalalawit ang dila ko sa threadmill. nabuwisit nga ako one time kasi merong nag-alok sa akin na cali fitness agent na kung gusto ko daw bang mag-enroll sa gym nila. tangna pala nila eh mag-iisang taon na akong member sa kanila, halos negligible ang nababawas sa timbang ko. tska wala ba sa itsura ko na naggi-gym ako? mga buwisit kayo! itong nagkasakit ako, 3 kilos in 3 days!!! wtf! sorry, i digress.

simula ngayon, back to basics na uli ako. tulog ng at least 8 hours, tamang diet with exercise at bawal muna ang uminom. sa panahon na may company recessions globally, bawal ang magkasakit.

happy weekend everyone!

synflex October 15, 2008

Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura.
2 comments

sa dinami dami ng gamot na irereseta ng doktor kanina habang nagpa-checkup ako ay yung gamot pa na muntik ng kumitil sa buong lamanloob ko noong nagkasakit ako. nung una, pinakita ko kay dr. quack quack ung reseta ng doktor ko sa pinas sa pagbabakasakali na meron silang ganitong gamot dito sa singapura pero sa kasamaang palad ay sinabi niyang hindi raw siya pamilyar sa ganoong gamot. bawat bansa kasi ay hindi pare-pareho na minsan maski generic name ay hindi nila alam. balak ko kasi at least kapag same medicine yung ibinigay niya, at least meron akong supply pa just in case na atakihin uli ako. pero hindi nga ganon ang nangyari. bilang pakunswelo ay sinabi na lang ni dr. quack quack na wag akong mag-alala kasi mabisa naman daw ang gamot sa singapura. “dun wori, all medicines here in singapore are good leh”, ika ni dr quck quack. nung iaabot na sa akin ng pharmacist cum cashier cum alalay ng doktor ang gamot ay bigla akong napamura sa isip ko ng pinakamalutong na p’tangna dahil ang binigay sa akin ay yung pamilyar na tabletang kasingkulay ng viagra na naging sanhi ng pagsusungit ko sa mga doktor at nurses nung kasalukuyang nakaratay ako sa tan tock seng. pasalamat na lang si magandang magbobotika at ang totoong pakay ko sa pagkonsulta sa kanila ay ang medical certificate na kailangan sa opisina para valid ang excuse ko sa pagliban ngayong araw, at isama mo na din ang pagkindat at paghaplos niya sa kamay ko na gagaling din daw ako agad.

heto na naman October 15, 2008

Posted by bangad in singapura.
add a comment

sa tingin ko nag-drop na naman ang potassium level ko. just last night, saktong paguwi ko ng bahay ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig at bigla akong nahilo. buti na lang hindi ako inabutan sa daan baka sa malamang ay nasa pagamutang bayan na naman ako. sa katigasan kasi ng ulo ay napadami na naman ang inom ko last saturday nung um-attend ako ng beerday party ng isa sa kasamahan ko dati sa malaysia kaya in effect ay baka nag-suffer na naman ang electrolytes level ko. wala kasing kadala dala eh tsk tsk tsk…gusto ko sanang iuntog ang ulo ko para matauhan kaso masakit pa rin talaga kaya next time na lang pag gumaling na uli ako. mamaya pupunta muna ako sa clinic para kumuha ng medical certificate at magpa-blood test na din.