jump to navigation

glorious sleep October 5, 2008

Posted by bangad in singapura.
add a comment

simula ng natulog ako kagabi ngayon lang alas siyete ng gabi ako gumising. pero hindi yung tipong pagkagising mo ay masakit ang ulo at buong katawan pero parang bawi lang sa ilang araw na pagpupuyat, paglalango at paggagala sa isla ng boracay mga ilang araw ang nakalipas. sayang nga kasi sabado kami umalis sa bora na dapat sana ay gumigiling giling pa kami pero ok na din para at least ay makakapagpahinga pa bago uli sumabak sa opisina. at ganun nga ang nangyari sa buong maghapon ko at di man lang ako nakapag-hello kay haring araw. sumilip lang din ako dito sa wordpress village at kinumusta ko lang din ang ibang kapitbahay. saka ko na lang ikukuwento ang mga kabalbalan at kasiyahan na naganap sa bora.

now, back to bed…ZzZzZzZz….

wreckkonen September 29, 2008

Posted by bangad in kuro-kuro, palakasan, singapura.
add a comment

- felipe massa went from first to last position after a nightmare stop.
- kimi crashed at turn 10 with less than four laps to go and ruled out of the title race
- morale is not high for ferrari and fell behind mclaren in the constructor’s standings
- fernando alonso’s first win this year on a first-ever night race in F1 history, a sweet revenge of his disappointing qualifying round last saturday
- lewis hamilton, with 3 races remaining is on course to become the F1 youngest champion
- singapore has set the benchmark for future races under floodlights

singapore grand prix September 26, 2008

Posted by bangad in palakasan, singapura.
add a comment

ready for the friday practice…

kay auntie September 24, 2008

Posted by bangad in kuro-kuro, singapura.
add a comment

di ko alam kung badtrip ka na simula pa nung umaga o sadyang may galit ka na talaga sa akin. pero wala pa ni isang pagkakataon na nagkrus ang landas natin na sa tingin ko ay dahilan ng pagkainis mo sa akin. at dahil sa pangalawang araw pa lang natin sa bagong opisina ay maayos at magalang kong tinanong sayo ang kinalalagyan ng basurahan sa pantry pero isang pabalang na sigaw ang narinig ko mula sa iyong mga labi na nagdulot ng pagkapahiya ko sa mga taong kasalukuyang nagmemeryenda. hindi ako naging handa sa mga pangyayari para makapag-isip pa ako ng mga mabubulaklak na salita na dapat ay isasagot ko sayo. at para dagdagan pa ang pagkainsulto sa pagkatao ko ay biglang may nagtanong sayo na briton kung saan ang kinalalagyan ng mga kutsarita ay pakyut kang sumagot at inabot mo pa ang potanginang hinahanap ng bakla. di ko alam kung kaya naging sensitibo lang ako dahil alas kwatro na ng hapon ako nakapananghalian o bastos lang talaga ang naging pagtrato mo sa mga kapwa mo asyano.

first day funk September 23, 2008

Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, singapura.
2 comments

ngayon ang unang araw na pumasok kami sa bago naming opisina. halos isang linggo din kaming work from home dahil din sa relocation na kailangang i-transfer ang mga office cubicles, pedestal at kung ano ano pa. parang bakasyon na din ang nangyari sa amin dahil in between ng pagtatrabaho ay pwede kang matulog, manood ng tv, maglaba at maglinis ng bahay bukod pa sa pwede kang mag-malling. ay joke lang po. sa case naming mga pinoy ay nagpunta sila sa bahay namin ng weekend at doon nagtrabaho, nanood ng mga pelikula, naglango at nag-tongits magdamag. pero kahit anong mga kagaguhan naman ang ginagawa namin ay ok lang basta nai-deliver ng maayos ang mga trabahong binigay sa amin. kaya ayun, ngayon ay first day funk namin sa bagong office building. para sa akin hindi ganun ka-convenient ang paglipat namin dahil sa coast to coast ang magiging biyahe ko (west side ang flat location ko samantalang east coast naman ang office location). in effect, kailangan kong gumising nang mas maaga para makasakay ako ng shuttle bus. mas mabilis kasi ang travel time kasi point to point. otherwise, babaybayin ko ang napakalayong biyahe para lang makapasok ako. kung pwede nga lang akong mag-marathon papunta ng opisina.

maraming mga pakulo sa unang araw namin. may mga inimbitahin silang mag dragon dance, speech ng amo, free lunch at tea break at may kasama na ring pa-raffle. bumaha din ng alak kaya naman tuwang tuwa ang lahat sa opisina. pero sana pagkatapos ng relocation ay may maganda ring balita galing sa management. mas matutuwa ang lahat kung maibibigay na ang appraisal at bonus na matagal nang pinapangarap. abangan sa mga susunod na araw.

in the meantime, tiyaga muna sa mala-novaliches-makati na biyahe dito sa singapura.