one world one dream August 8, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura, truly asia.add a comment
sa kasalukuyan ay nanonood ako ng official opening ceremony ng beijing olympics. eksakto 8:08pm impunto nagsimula pero halos kalahating oras na ang lumipas nung nasimulan ko dahil may late activity ako sa opisina. excited din kasi akong makita na pumaparada ang buong delegasyon ng pilipinas maski na labinlimang manlalaro lang ang lalahok sa walong events ng olympics. at siyempre dahil si pacman ang flag bearer natin sa malamang ay ibang pacquiao ang makikita natin na mas nakasanayan nating makita na nasa lona na nakasuot ng gloves at shorts na hindi mo maintindihan kung shorts nga ba siya na tinubuan ng mga patches o mga patches na tinubuan ng shorts. biro lang manny ha. nai-imagine ko siya na pormang emilio aguinaldo na nasa limang piso na winawagayway ang bandila sa kawit cavite ang itsura niya. biro lang po uli.
iniisip ko pa ngayon kung tutuloy ba talaga ako sa beijing next week. bale meron akong events tickets na makukuha courtesy ng tropa ko na nagtatrabaho sa macau. kung tutuusin plane ticket na lang ang poproblemahin ko bukod pa sa sandamakmak na pagmamakaawa sa opis para payagan akong mag-time off at good to go na ako. meron na din akong single entry visa na nakuha ko last month. at kung tuluyan nga akong papalarin, malamang eh naka out-of-office reply na ako simula august 15 to 24. wohooo!!!
ngayong araw din na ito, 080808, sinasabi nila na masuwerteng araw daw dahil round figures daw ito, meaning maraming anda siguro. kaya naman, marami akong mga kakilala na nag-set ng kanilang mga kasal, nagpa-caesarian, nagpagupit, nagpamanicure, nagpa foot spa at kung ano ano pa dahil nga daw sa swerteng maidudulot ng araw na to. kaya nga rin dito sa singapura ay merong special TOTO draw na 8 million singapore dollars ang grand prize at for the nth time ay hindi na naman kami magkandaugaga sa opisina para mangahas na tumaya at makabilang sa libo libong sugarol sa islang ito na nangangarap na tumama sa kinalolokohang lottery draw. at kung magkamaling ang kumbinasyon ng mga numerong tinayaan namin ang tumama ay hindi ako magpapatumpik tumpik na pumunta sa travel agency kinabukasan para ipa-book ang pinakamahal na plane ticket papuntang beijing china at magpapa-escort service ako kahit pa ang pinakamahal na prosti ng tsina ang kunin ko. sana magdilang anghel ako lord. pwede naman di ba?
o sya, back to opening ceremony uli…
and he taught him the secret to karate lies in the mind and heart. not in the hands. July 1, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura, truly asia.1 comment so far
habang papasok ako kanina sa opisina eh may namataan akong isang mama sa bus stop na pinaghihintayan ko tuwing umaga at parang bigla akong nakaramdam ng lakas ng loob para maging siga maski isang araw lang. kung bakit ko sinabi ito ay dahil malaya akong makakapagtitigan ng mata sa mata nang hindi tumitingkayad o tumitingala. kaya ayun, para akong isang tandang na handang makipagsabong sa mamang kasing laki ko lang kahit wala siyang ginagawang anumang masama sa akin.
naalala ko tuloy nung HP days ko pa sa malaysia na halos lahat ng guwardiya dun ay parang mga disipulo ni snow white. hindi nga ako makapaniwala dahil first time kong makakita ng ganong kasing-lalaki na guwardiya. dati nga kapag tumatambay kami ng mga kaopisina kong pinoy sa entrance ng building at makita silang rumoronda sa labas eh hindi ko mapigilang biruin ang mga kasamahan ko na hamunin ko ang mga guwardiyang yun ng suntukan. pero masasabi kong da B.E.S.T. sila dahil bukod sa sila’y Below Eye SighT eh nami-maintain naman nila ang kapayapaan at kaayusan ng buong opisina namin. sa atin lang naman siguro sa pinas hindi applicable na magkaroon ng mga ganyang katataas na guwardiya dahil baka ismolin lang sila ng mga masasamang elemento. pero kung ganito naman kalupit sa martial arts ay baka magdalawang isip ang mga kriminal na maghasik ng lagim sa bawat sulok ng pilipinas. (more…)

