two years July 16, 2008
Posted by bangad in lakwatsa, singapura.add a comment
ngayong eksaktong petsa na ito, ginugunita ko ang ikalawang taon ng unang pag-apak ng mga paa ko dito sa singapura at taas noong masasabing bahagi ng 136,000 pinoy na nagtratrabaho dito; ikatlong taon bilang OFW. aba, milestone na para sa akin na dalawampu’t apat na buwan na nagpapakaalila dito habang dumadaan lang sa palad ko ang sahod na natatanggap ko. wala nang masyadong pagka-miss sa bayang magiliw di katulad ng mga unang buwan ko na nawalay sa lupang pangako.
at bilang pabuya sa sarili ko ay magpapakasaya ako sa bangkok simula bukas hanggang linggo. dapat sana nung april pa ang biyahe ko kaso nga nagkasakit ako. bakit ngapala hanggang ngayon eh di ko pa naiba-blog yung pagkakaratay kong yun? siguro dahil sa sobrang traumatic ang mga pangyayari kahit na sensational pa siyang masasabi kaya hindi ko pa maikuwento ng maayos. i digress. so ayun na nga, pina-rebook ko ang biyahe ko at eto nga just in time para sa aking 2 year anniversary. kaya ngayon may rason ako para magbakasyon. excited na nga ako at pati yung itinerary nagawa ko na. sana lang hindi maulan para at least ma-enjoy ko ang trip na ito…
mga dapat dalhin:
- pasaporte
- midyum sa pakikipagkalakalan
- buri hat
- antipara
- camera at tripod
- ilang piraso ng damit
- komportableng sapin sa paa
- good mood
mga pwedeng gawin:
- maghanap ng magagaling na sastre at magpatahi o magpa-customize ng long sleeves o iba pang kasuotan na aakma sa hapit ng katawan
- mamili sa mga naglulutangang palengke sa bambang
- mamasyal sa mga templo, makipagtalastasan at tuklasin ang mga karunungang matututunan sa mga monghe
- sumali sa crocodile wrestling show, magpadagan sa mga elepante at makipaglingkisan sa mga ahas
- aliwin ang sarili sa mga alindog ng mga transekswal
- panoorin ang tadyakan at basagan ng mukha sa muay thai
- magpakabusog sa mga authentic thai food
- lunurin ang sarili sa mga murang inuming nakakataranta
- magparetoke ng alinmang bahagi ng katawan na sa tingin ko ay di kanais-nais
- tooth whitening, crown, bunot, pustiso..mura dun
- magpa-facial, foot at hand job scrub
- i-treat ang sarili at lasapin ang sensasyong dulot ng thai massage
- magpahasa ng punyal, kung kinakailangan
- at iba pang off the beaten paths
bangkok, here i come! woohoo!!

