bespren November 12, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa.2 comments
kanina habang pauwi ako ng bahay sakay ng mrt, bigla ko lang natanong sa sarili ko bakit ako walang bestfriend. kung anu ano na lang kasi ang naisip ko kanina sa biyahe dahil na-lobat lahat ng mga paraphernalia na binubutingting ko tuwing binabagtas ko ang coast to coast na mrt ride.
mabalik nga tayo sa tanong ko. oo nga, bakit nga kaya sa loob ng dalawampu’t siyam na taong paglalagi ko sa mundong ibabaw eh hindi man lang ako nakaranas na magkaroon ng tinatawag nilang best friend, samantalang yung iba mga dalawa, tatlo, apat o lagpas pa sa sampu ang bespren nila. kung magkagayon eh hindi na best friend ang tawag dun kasi kung pagbabasehan mo sa grammar, eh nag-iisa at walang makakatalo sa lahat pag sinabing best. mga idiot. i digress. siguro nga factor talaga yung pagiging close ko sa family ko kaya di na ako naghanap pa ng ibang outlet para maihinga ko kung ano man ang nasa saloobin ko. kung kailangan ko ng makikinig sa akin, andiyan ang dalawang tsismosang ate ko para masabihan ng problema na madalas ay naidadaldal din sa nanay ko. ang nanay ko naman, kung kelangan ko ng mauutangan, bibigyan naman ako ng ipanggagastos; at kung kelangan ko ng tunay na pag-aaruga, andyan naman siya para yakapin ako. at sa tuwing nabubugnot ako at kailangang madaluyan ng alak ang lalamunan ko, eh andyan naman ang tatay ko para makapag-toning sa buong magdamag na minsan ay nagtatapos pa sa masayang pakikipaglandian sa loob ng beerhouse. ganyan ako ka-close sa buong pamilya ko kaya naman hindi na din ako naghanap pa ng ibang outlet dahil sila pa lang ay maituturing ko nang mga kaibigan. kaya ngayon eh nami-miss ko talaga ang company nila.
siguro hindi rin talaga uso sa mga lalake ang pagkakaroon ng bespren. bibihira. well, may mga ilan ding lalaki na mag-bespren, na nahuhubog ang pagkakaibigan sa iisang baso na tinatagayan, ngunit hindi ganun ka-showy kung ikukumpara sa lalaki at babae na magbespren. mas marami akong kakilala na ganito. merong magbespren, kasi parang ate o kuya ang turing nila sa isa’t isa. sa mga lalaki siguro kaya mas feel nilang maging bespren ang mga babae dahil mas at ease sila na magsabi ng problema nila kasi alam nilang hindi sila makakantiyawan na ambaduy nila. minsan nga para din silang magsyota kasi meron din silang mga endearments – buddy, syuts, brod, pare or simply bespren. may iba naman na sa una ay magbespren tapos biglang magkaka-inlaban. yun ang sa tingin ko ang tunay na depinisyon ng bantay salakay.
ako, hindi man ako nagkaroon ng bespren, sapat na siguro sa akin na sa araw araw na pakikisalamuha ko sa buhay ay may mga taong pinapadala ang tadhana para maging makulay ang lahat ng bagay. sapat na rin na sa tuwing gabi bago matulog habang pinagmumuni-muni ang mga dagok sa buhay, kinabukasan ay parang ang gaan dahil somewhere out there, alam mo na merong gumagabay.
ikaw, sino’ng bespren mo doon?
lows and highs October 17, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, singapura.add a comment
buong maghapon ako ngayon sa raffles hospital. o di ba, sosyal na ako hindi na lang sa normal na pagamutang bayan nagpa-checkup kundi sa semi-government na ospital na. cozy ang dating ng raffles parang nasa isang office buliding ka lang. siyempre 2nd time ko na itong pumunta ngayong linggong ito para sa lab tests ko. may option daw ako na magpa-confine muna habang hinihintay ang mga resulta para at least ma-monitor na din daw ang kalagayan ko or pwede naman daw na outpatient. hindi ko kinagat ang unang mungkahi ng doktor at mas pinili ko na lang na maghintay na lang sa ospital, siguro dahil na rin sa may trauma pa ako simula ng ma-confine ako dito anim na buwan na ang nakakalipas. medyo hindi na ako excited sa resulta ng mga lab tests ko dahil anticipated ko na ang mga mangyayari at tama nga ang mga hinala ko:
eto ang mga pangunahing dahilan kung bakit sick leave ako ng tatlong araw. ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit umaatake ang seizures ko dahil nagiging abnormal ang daloy ng dugo at fluids papunta sa utak ko (yung cholesterol levels ko – triglycerides at LDL o mas kilala sa tawag na bad cholesterol, effect na lang yan tuwing may irregularities sa potassium at sodium levels ko. dati uric acid naman ang sumirit ng todo). sabi nga ng tatay ko, “anak, sa liit mong yan, hindi pa rin nakakadaloy ng maayos ang dugo at tubig mo sa katawan? paano na kaya ang mga basketball players?”…ang gago noh, may pinagmanahan. kaya ngayon puno na naman ang pridyider ng ng saging, mansanas at gatorade. swerte pa nga ako kasi ngayon hanggang sakit ng ulo lang ang nararamdaman ko at madalas ang pagidlip from time to time kaya hindi ko iniinda ito. malaking kaibahan ito sa seizure attack ko 5 years ago kung saan madalas daw akong nakatulala sa kawalan at ang masaklap pa nito ay maghapon akong nakasuot ng elbow at knee pad at helmet dahil madalas akong mawalan ng malay. feeling ko nga isa ako sa mga skateboard kid or yung mga tinatawag nilang trasher para mas sikat. cool di ba?
pero sa lahat ng pinakagusto kong resulta tuwing ganito ang sitwasyon ko ay ang pagbaba ng timbang ko. from 54 kilos eh naging 51 na lang ako in 3 days!!! walang sinabi ang mga lose weight program na yan kaya hindi ko pinagpapapansin. daig pa din ang paggi-gym dahil pakala kalahating kilo lang ang nababawasan sa akin maski ilang oras sa isang linggo kong pinalalawit ang dila ko sa threadmill. nabuwisit nga ako one time kasi merong nag-alok sa akin na cali fitness agent na kung gusto ko daw bang mag-enroll sa gym nila. tangna pala nila eh mag-iisang taon na akong member sa kanila, halos negligible ang nababawas sa timbang ko. tska wala ba sa itsura ko na naggi-gym ako? mga buwisit kayo! itong nagkasakit ako, 3 kilos in 3 days!!! wtf! sorry, i digress.
simula ngayon, back to basics na uli ako. tulog ng at least 8 hours, tamang diet with exercise at bawal muna ang uminom. sa panahon na may company recessions globally, bawal ang magkasakit.
happy weekend everyone!
synflex October 15, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura.2 comments
sa dinami dami ng gamot na irereseta ng doktor kanina habang nagpa-checkup ako ay yung gamot pa na muntik ng kumitil sa buong lamanloob ko noong nagkasakit ako. nung una, pinakita ko kay dr. quack quack ung reseta ng doktor ko sa pinas sa pagbabakasakali na meron silang ganitong gamot dito sa singapura pero sa kasamaang palad ay sinabi niyang hindi raw siya pamilyar sa ganoong gamot. bawat bansa kasi ay hindi pare-pareho na minsan maski generic name ay hindi nila alam. balak ko kasi at least kapag same medicine yung ibinigay niya, at least meron akong supply pa just in case na atakihin uli ako. pero hindi nga ganon ang nangyari. bilang pakunswelo ay sinabi na lang ni dr. quack quack na wag akong mag-alala kasi mabisa naman daw ang gamot sa singapura. “dun wori, all medicines here in singapore are good leh”, ika ni dr quck quack. nung iaabot na sa akin ng pharmacist cum cashier cum alalay ng doktor ang gamot ay bigla akong napamura sa isip ko ng pinakamalutong na p’tangna dahil ang binigay sa akin ay yung pamilyar na tabletang kasingkulay ng viagra na naging sanhi ng pagsusungit ko sa mga doktor at nurses nung kasalukuyang nakaratay ako sa tan tock seng. pasalamat na lang si magandang magbobotika at ang totoong pakay ko sa pagkonsulta sa kanila ay ang medical certificate na kailangan sa opisina para valid ang excuse ko sa pagliban ngayong araw, at isama mo na din ang pagkindat at paghaplos niya sa kamay ko na gagaling din daw ako agad.
first day funk September 23, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, singapura.2 comments
ngayon ang unang araw na pumasok kami sa bago naming opisina. halos isang linggo din kaming work from home dahil din sa relocation na kailangang i-transfer ang mga office cubicles, pedestal at kung ano ano pa. parang bakasyon na din ang nangyari sa amin dahil in between ng pagtatrabaho ay pwede kang matulog, manood ng tv, maglaba at maglinis ng bahay bukod pa sa pwede kang mag-malling. ay joke lang po. sa case naming mga pinoy ay nagpunta sila sa bahay namin ng weekend at doon nagtrabaho, nanood ng mga pelikula, naglango at nag-tongits magdamag. pero kahit anong mga kagaguhan naman ang ginagawa namin ay ok lang basta nai-deliver ng maayos ang mga trabahong binigay sa amin. kaya ayun, ngayon ay first day funk namin sa bagong office building. para sa akin hindi ganun ka-convenient ang paglipat namin dahil sa coast to coast ang magiging biyahe ko (west side ang flat location ko samantalang east coast naman ang office location). in effect, kailangan kong gumising nang mas maaga para makasakay ako ng shuttle bus. mas mabilis kasi ang travel time kasi point to point. otherwise, babaybayin ko ang napakalayong biyahe para lang makapasok ako. kung pwede nga lang akong mag-marathon papunta ng opisina.
maraming mga pakulo sa unang araw namin. may mga inimbitahin silang mag dragon dance, speech ng amo, free lunch at tea break at may kasama na ring pa-raffle. bumaha din ng alak kaya naman tuwang tuwa ang lahat sa opisina. pero sana pagkatapos ng relocation ay may maganda ring balita galing sa management. mas matutuwa ang lahat kung maibibigay na ang appraisal at bonus na matagal nang pinapangarap. abangan sa mga susunod na araw.
in the meantime, tiyaga muna sa mala-novaliches-makati na biyahe dito sa singapura.
unang bugso ng ber September 8, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, palakasan, sige takbo, singapura.1 comment so far
sa ikatlong buwan ng pagkakaroon ng bangad at sa makailang ulit na gumawa at magbura ng blog ang may akda sa worldwideweb ay dumating na naman ang pagkakataon na dumapo sa aking munting isipan na tuluyan na namang maaabandona ang aking bagong bahay. simula nung nakaraang buwan ay bihira kong masilip ang aking bagong tahanan – kung sino ang mga bumisita, tsumismis, nakikain, nakinood ng tv, nakitulog, nakiligo at nakitae ay hindi ko alam. as in ngayon lang uli ako nagtangkang kunin uli ang susi at buksan ang pinto ng bahay na baka ngayon eh inaagiw na. sayang lang ang espasyong nagagamit ko sa wordpress at baka pinagmumura na ako ng ibang tagadito. kung pwede lang sanang ipa-renta at hayaan ding magsulat ang iba sa site na ito para mapakinabangan. pero mas pinili ko na ako lang ang magsulat dito at hayaang magkomento ang mga gustong sumilip sa bintana ng blog ko. eh bakit ba kung sa blog ko ito eh, di gumawa din kayo ng sarili nyong blog! period.
dahil ngayon lang uli ako nakapag blog medyo magiging mahaba ang litanya ko para naman at least eh updated pa rin kayo sa mga nangyayari sa buhay ko (as if naman maraming fans ang blog na ito, hello?!?!) kung mahilig kayo sa komiks na puro wakasan ay hindi ko alam kung magiging ganito ang kinalabasan ng entry na ito o maaari ding parang pocketbook na kelangan gumugol ng ilang oras na pagbabasa para matapos. kung magkagayonman ay hindi ung tipong valentine romance pocketbook ang matutunghayan ninyo dahil unattached naman ako sa mga panahong ito. pero sige, eto susubukan kong magbalik tanaw sa ilang linggong hindi pagba-blog. haayy, ang hirap talaga ng walang sariling pyuter
sa bahay…



