ang may akda
purong ilokano na laking maynila. natutong magsalita ng ilokano dahil ito ang salitang gamit sa bahay pag nag-uusap usap. stubborn as a mule but gentle as a lamb. tough guy with a soft interior and a sense of humor. can live in anonymity. kayang mabuhay ng ilang araw maski walang celfone. ambidextrous. kayang gamitin ang kaliwa at kanang kamay sa pagsusulat, pagdodrowing etc, with equal ease. mas mahaba ang kaliwang paa sa kanang paa. laging umiiyak nung grade school pag naiiwan ng service. umiiyak pa rin nung high school dahil gustong maiwanan ng service. naging crew sa jollibee after high school. madalas mabasa ang brief pag bumabaha sa espana. last subject ng ROTC ang binagsak nung college. napuntahan ang iba’t ibang sulok ng pilipinas bago nangibang bayan. nagtangkang mangibang bayan taong 2005. natutong maging independent at self-sufficient sa abroad. mas gusto ng walang tulog kaysa walang gising. di humihilik pero nagsasalita pag tulog. di makatulog pag nakapanood ng horror movies. bihira nang manood nito dahil matagal mangupahan sa imahinasyon ang mga eksenang makapanindig balahibo. may sixth sense pero ayaw i-develop. i can see them walking around like regular people. ilang beses ng nangyari ito. born-achiever. do i need to say more? hate losing. kung may failures from the past, gustong itama agad. sports-minded pero hindi masalihan ang sports na may height requirement. big fan ng mga bigating tulad ni michael jordan, roger federer, maria sharapova, kimi raikkonen at steve nash. big crush si angel locsin. mahilig magbasa ng libro. ilan sa mga kinagigiliwang basahin ay mga gawa nina anthony bourdain, david sedaris, at paulo coelho. hindi nawawalan ng isopropyl alcohol sa office desk. hindi palainom pero mataas ang tolerance level sa alcohol. goldilocks choco roll ang paboritong cake. mahilig makipag-agawan sa tiyan ng bangus. favorite pastime ang manita at mambasag ng tao. kayang tapusin nang buong araw ang isang season ng TV series ng walang kurapan. 20-20 pa din ang vision. effective ang kalabasang madalas ipinapaaulam nung bata pa. mahilig tumambay sa starbucks pero hindi umiinom ng kape. buwisit sa mga taong nagyoyosi habang naglalakad sa pampublikong lugar.


ne ket mayat a, kailian, ta uray no addaka dita MM ket diyo nalipatan ti bukodyo a dila…
addict ka pre…hehehehe..alam ko pre eh..nabibiling na lang yung mga panahon mo sa mundo..joke!!..peace!!.. =)
wala pa bang new update? new misadventure? new post?