jump to navigation

stock exchange November 18, 2008

Posted by bangad in palakasan, singapura.
trackback

eto ang pinagkakaabalahan ko lately. sa hindi maipaliwanag na dahilan, sampu ng mga katropa ko ay sinubukan na laruin ang NBA Stock Exchange. very similar ito sa actual stock market pero ang kaibahan lang nito bukod sa naka-base lahat sa NBA players na bibilhin mo ang kikitain para tumaas ang team value ay meron ka dapat ma-accumulate na fantasy points. bale meron kaming sariling league at sampung traders kaming naglalaban laban at para gumanda ang standings ay kelangan na magkaroon ka ng fantasy points per day. so far nasa 7th position ako since di ako masyadong umiiskor ng fantasy points sa ngayon kasi ang focus ko ay tumaas muna ang team value ko. the more na mataas ang team value mo ay mas magkakaroon ka ng purchasing power na makabili ng mamahaling players. the league is up to april 2009 kaya mahaba-haba pa ang panahon para makahabol sa top spot. pot money is around $180 plus yung top 3 managers will enjoy a free buffet dinner. madalas puyat ako dahil US eastern time ang trading at although hindi naman ganun kalaki ang mapapanalunan ay matututo ka paano mo paiikutin ang pera mo kapag nasa actual stock market ka na.

o sya, balik muna ako uli sa trading floor.

Comments»

1. khedz - January 8, 2009

hindi mo na ba kaya ang tutuong basketball kaya pa-fantasy fantasy basketball na lang? hehehe… hindi ako magugulat kung puro maliliit ang kalaro mo, hehehe – joke!