jump to navigation

synflex October 15, 2008

Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura.
trackback

sa dinami dami ng gamot na irereseta ng doktor kanina habang nagpa-checkup ako ay yung gamot pa na muntik ng kumitil sa buong lamanloob ko noong nagkasakit ako. nung una, pinakita ko kay dr. quack quack ung reseta ng doktor ko sa pinas sa pagbabakasakali na meron silang ganitong gamot dito sa singapura pero sa kasamaang palad ay sinabi niyang hindi raw siya pamilyar sa ganoong gamot. bawat bansa kasi ay hindi pare-pareho na minsan maski generic name ay hindi nila alam. balak ko kasi at least kapag same medicine yung ibinigay niya, at least meron akong supply pa just in case na atakihin uli ako. pero hindi nga ganon ang nangyari. bilang pakunswelo ay sinabi na lang ni dr. quack quack na wag akong mag-alala kasi mabisa naman daw ang gamot sa singapura. “dun wori, all medicines here in singapore are good leh”, ika ni dr quck quack. nung iaabot na sa akin ng pharmacist cum cashier cum alalay ng doktor ang gamot ay bigla akong napamura sa isip ko ng pinakamalutong na p’tangna dahil ang binigay sa akin ay yung pamilyar na tabletang kasingkulay ng viagra na naging sanhi ng pagsusungit ko sa mga doktor at nurses nung kasalukuyang nakaratay ako sa tan tock seng. pasalamat na lang si magandang magbobotika at ang totoong pakay ko sa pagkonsulta sa kanila ay ang medical certificate na kailangan sa opisina para valid ang excuse ko sa pagliban ngayong araw, at isama mo na din ang pagkindat at paghaplos niya sa kamay ko na gagaling din daw ako agad.

Comments»

1. Dancruz - October 17, 2008

So how??? paano na marathon mo??..Kc kc eh..dapat eh monitor and intake…so paano na?..barely 1 months and 2 weeks to go for the Standard Chartered Run??…iwas na kc inum eh..mag sampaguita kana lang sa vendo machine…hehehe

2. Dancruz - October 17, 2008

wala na grammar ko..leche..singlish na!!..amp!!