jump to navigation

lows and highs October 17, 2008

Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, singapura.
add a comment

buong maghapon ako ngayon sa raffles hospital. o di ba, sosyal na ako hindi na lang sa normal na pagamutang bayan nagpa-checkup kundi sa semi-government na ospital na. cozy ang dating ng raffles parang nasa isang office buliding ka lang. siyempre 2nd time ko na itong pumunta ngayong linggong ito para sa lab tests ko. may option daw ako na magpa-confine muna habang hinihintay ang mga resulta para at least ma-monitor na din daw ang kalagayan ko or pwede naman daw na outpatient. hindi ko kinagat ang unang mungkahi ng doktor at mas pinili ko na lang na maghintay na lang sa ospital, siguro dahil na rin sa may trauma pa ako simula ng ma-confine ako dito anim na buwan na ang nakakalipas. medyo hindi na ako excited sa resulta ng mga lab tests ko dahil anticipated ko na ang mga mangyayari at tama nga ang mga hinala ko:

eto ang mga pangunahing dahilan kung bakit sick leave ako ng tatlong araw. ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit umaatake ang seizures ko dahil nagiging abnormal ang daloy ng dugo at fluids papunta sa utak ko (yung cholesterol levels ko – triglycerides at LDL o mas kilala sa tawag na bad cholesterol, effect na lang yan tuwing may irregularities sa potassium at sodium levels ko. dati uric acid naman ang sumirit ng todo). sabi nga ng tatay ko, “anak, sa liit mong yan, hindi pa rin nakakadaloy ng maayos ang dugo at tubig mo sa katawan? paano na kaya ang mga basketball players?”…ang gago noh, may pinagmanahan. kaya ngayon puno na naman ang pridyider ng ng saging, mansanas at gatorade. swerte pa nga ako kasi ngayon hanggang sakit ng ulo lang ang nararamdaman ko at madalas ang pagidlip from time to time kaya hindi ko iniinda ito. malaking kaibahan ito sa seizure attack ko 5 years ago kung saan madalas daw akong nakatulala sa kawalan at ang masaklap pa nito ay maghapon akong nakasuot ng elbow at knee pad at helmet dahil madalas akong mawalan ng malay. feeling ko nga isa ako sa mga skateboard kid or yung mga tinatawag nilang trasher para mas sikat. cool di ba?

pero sa lahat ng pinakagusto kong resulta tuwing ganito ang sitwasyon ko ay ang pagbaba ng timbang ko. from 54 kilos eh naging 51 na lang ako in 3 days!!! walang sinabi ang mga lose weight program na yan kaya hindi ko pinagpapapansin. daig pa din ang paggi-gym dahil pakala kalahating kilo lang ang nababawasan sa akin maski ilang oras sa isang linggo kong pinalalawit ang dila ko sa threadmill. nabuwisit nga ako one time kasi merong nag-alok sa akin na cali fitness agent na kung gusto ko daw bang mag-enroll sa gym nila. tangna pala nila eh mag-iisang taon na akong member sa kanila, halos negligible ang nababawas sa timbang ko. tska wala ba sa itsura ko na naggi-gym ako? mga buwisit kayo! itong nagkasakit ako, 3 kilos in 3 days!!! wtf! sorry, i digress.

simula ngayon, back to basics na uli ako. tulog ng at least 8 hours, tamang diet with exercise at bawal muna ang uminom. sa panahon na may company recessions globally, bawal ang magkasakit.

happy weekend everyone!

synflex October 15, 2008

Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura.
2 comments

sa dinami dami ng gamot na irereseta ng doktor kanina habang nagpa-checkup ako ay yung gamot pa na muntik ng kumitil sa buong lamanloob ko noong nagkasakit ako. nung una, pinakita ko kay dr. quack quack ung reseta ng doktor ko sa pinas sa pagbabakasakali na meron silang ganitong gamot dito sa singapura pero sa kasamaang palad ay sinabi niyang hindi raw siya pamilyar sa ganoong gamot. bawat bansa kasi ay hindi pare-pareho na minsan maski generic name ay hindi nila alam. balak ko kasi at least kapag same medicine yung ibinigay niya, at least meron akong supply pa just in case na atakihin uli ako. pero hindi nga ganon ang nangyari. bilang pakunswelo ay sinabi na lang ni dr. quack quack na wag akong mag-alala kasi mabisa naman daw ang gamot sa singapura. “dun wori, all medicines here in singapore are good leh”, ika ni dr quck quack. nung iaabot na sa akin ng pharmacist cum cashier cum alalay ng doktor ang gamot ay bigla akong napamura sa isip ko ng pinakamalutong na p’tangna dahil ang binigay sa akin ay yung pamilyar na tabletang kasingkulay ng viagra na naging sanhi ng pagsusungit ko sa mga doktor at nurses nung kasalukuyang nakaratay ako sa tan tock seng. pasalamat na lang si magandang magbobotika at ang totoong pakay ko sa pagkonsulta sa kanila ay ang medical certificate na kailangan sa opisina para valid ang excuse ko sa pagliban ngayong araw, at isama mo na din ang pagkindat at paghaplos niya sa kamay ko na gagaling din daw ako agad.

heto na naman October 15, 2008

Posted by bangad in singapura.
add a comment

sa tingin ko nag-drop na naman ang potassium level ko. just last night, saktong paguwi ko ng bahay ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig at bigla akong nahilo. buti na lang hindi ako inabutan sa daan baka sa malamang ay nasa pagamutang bayan na naman ako. sa katigasan kasi ng ulo ay napadami na naman ang inom ko last saturday nung um-attend ako ng beerday party ng isa sa kasamahan ko dati sa malaysia kaya in effect ay baka nag-suffer na naman ang electrolytes level ko. wala kasing kadala dala eh tsk tsk tsk…gusto ko sanang iuntog ang ulo ko para matauhan kaso masakit pa rin talaga kaya next time na lang pag gumaling na uli ako. mamaya pupunta muna ako sa clinic para kumuha ng medical certificate at magpa-blood test na din.

glorious sleep October 5, 2008

Posted by bangad in singapura.
add a comment

simula ng natulog ako kagabi ngayon lang alas siyete ng gabi ako gumising. pero hindi yung tipong pagkagising mo ay masakit ang ulo at buong katawan pero parang bawi lang sa ilang araw na pagpupuyat, paglalango at paggagala sa isla ng boracay mga ilang araw ang nakalipas. sayang nga kasi sabado kami umalis sa bora na dapat sana ay gumigiling giling pa kami pero ok na din para at least ay makakapagpahinga pa bago uli sumabak sa opisina. at ganun nga ang nangyari sa buong maghapon ko at di man lang ako nakapag-hello kay haring araw. sumilip lang din ako dito sa wordpress village at kinumusta ko lang din ang ibang kapitbahay. saka ko na lang ikukuwento ang mga kabalbalan at kasiyahan na naganap sa bora.

now, back to bed…ZzZzZzZz….