wreckkonen September 29, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, palakasan, singapura.add a comment
- felipe massa went from first to last position after a nightmare stop.
- kimi crashed at turn 10 with less than four laps to go and ruled out of the title race
- morale is not high for ferrari and fell behind mclaren in the constructor’s standings
- fernando alonso’s first win this year on a first-ever night race in F1 history, a sweet revenge of his disappointing qualifying round last saturday
- lewis hamilton, with 3 races remaining is on course to become the F1 youngest champion
- singapore has set the benchmark for future races under floodlights
kay auntie September 24, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, singapura.add a comment
di ko alam kung badtrip ka na simula pa nung umaga o sadyang may galit ka na talaga sa akin. pero wala pa ni isang pagkakataon na nagkrus ang landas natin na sa tingin ko ay dahilan ng pagkainis mo sa akin. at dahil sa pangalawang araw pa lang natin sa bagong opisina ay maayos at magalang kong tinanong sayo ang kinalalagyan ng basurahan sa pantry pero isang pabalang na sigaw ang narinig ko mula sa iyong mga labi na nagdulot ng pagkapahiya ko sa mga taong kasalukuyang nagmemeryenda. hindi ako naging handa sa mga pangyayari para makapag-isip pa ako ng mga mabubulaklak na salita na dapat ay isasagot ko sayo. at para dagdagan pa ang pagkainsulto sa pagkatao ko ay biglang may nagtanong sayo na briton kung saan ang kinalalagyan ng mga kutsarita ay pakyut kang sumagot at inabot mo pa ang potanginang hinahanap ng bakla. di ko alam kung kaya naging sensitibo lang ako dahil alas kwatro na ng hapon ako nakapananghalian o bastos lang talaga ang naging pagtrato mo sa mga kapwa mo asyano.
first day funk September 23, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, singapura.2 comments
ngayon ang unang araw na pumasok kami sa bago naming opisina. halos isang linggo din kaming work from home dahil din sa relocation na kailangang i-transfer ang mga office cubicles, pedestal at kung ano ano pa. parang bakasyon na din ang nangyari sa amin dahil in between ng pagtatrabaho ay pwede kang matulog, manood ng tv, maglaba at maglinis ng bahay bukod pa sa pwede kang mag-malling. ay joke lang po. sa case naming mga pinoy ay nagpunta sila sa bahay namin ng weekend at doon nagtrabaho, nanood ng mga pelikula, naglango at nag-tongits magdamag. pero kahit anong mga kagaguhan naman ang ginagawa namin ay ok lang basta nai-deliver ng maayos ang mga trabahong binigay sa amin. kaya ayun, ngayon ay first day funk namin sa bagong office building. para sa akin hindi ganun ka-convenient ang paglipat namin dahil sa coast to coast ang magiging biyahe ko (west side ang flat location ko samantalang east coast naman ang office location). in effect, kailangan kong gumising nang mas maaga para makasakay ako ng shuttle bus. mas mabilis kasi ang travel time kasi point to point. otherwise, babaybayin ko ang napakalayong biyahe para lang makapasok ako. kung pwede nga lang akong mag-marathon papunta ng opisina.
maraming mga pakulo sa unang araw namin. may mga inimbitahin silang mag dragon dance, speech ng amo, free lunch at tea break at may kasama na ring pa-raffle. bumaha din ng alak kaya naman tuwang tuwa ang lahat sa opisina. pero sana pagkatapos ng relocation ay may maganda ring balita galing sa management. mas matutuwa ang lahat kung maibibigay na ang appraisal at bonus na matagal nang pinapangarap. abangan sa mga susunod na araw.
in the meantime, tiyaga muna sa mala-novaliches-makati na biyahe dito sa singapura.
the place to be September 15, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, palakasan, sige takbo, singapura.1 comment so far
so back into running. kahapon ay sumali na naman kaming magkaka-opisina sa marathon. eto bale ang naging pagkakataon ko to redeem my running career after my worst runs sa safra and nike human race. hindi ko sana sasalihan ito dahil unang una, demoralized pa ako dahil nga sa naging poor performance ko sa last 2 races; pangalawa, close na ang registration dahil kamo libre ay dali daling nagparegister ang mga hinayupak na mga adik na nagsisipagtakbo dito sa singapura (buti na lang ay may tropa na malakas sa organizer kaya nakapag-register pa up to the last minute. take note: the day before the event na kami nagregister ha); pangatlo, napagod ako sa trabaho nung biyernes at sabado dahil katakot takot na lamay ang inabot ko para matapos ang lahat ng inutos ng mga panginoon sa opisina – in short, pagod ako. madadagdagan pa sana ng pang-apat na dahilan para tuluyan na akong hindi makatakbo, dahil on the day itself, eh medyo late na kaming nakarating dahil mahaba ang pila ng shuttle bus from mrt station to the event ground. pero buti na lang maski 15 minutes lagging na kami from the gun time eh pinayagan pa kaming tumakbo siguro dahil letter a) cute kami b) malakas ang convincing powers namin c) alam nilang kaya naming tapusin ang 10k in less than 1.5 hours d) all of the above ??? (choose the best answer).
overall, ok naman ang nasabing event dahil bukod sa meron ding free goodie bags and certificates ay meron pang fun games, carnival and car show ang nasabing event. ang medyo naging problema lang ay walang baggage counter kaya napilitan ang iba na tumakbo maski na bitbit ang back pack. sa case naman naming magkakasama, nagparaya na lang yung isa kong kaopisina na hindi na lang siya tatakbo at siya na lang daw ang magbabantay ng mga bags namin (bravo bravo, dani low!). pero hindi ko alam kung dahil sa pinaghalong inggit, pagka-adik sa takbo at laking tiwala sa mga tao sa event ground ay nagawa niyang iwan na lang sa starting grid ang mga bagahe namin, na kung tutuusin ay halos andun na lahat ang pangkabuhayang showcase namin. sa awa naman ng diyos ay andun pa din ang gamit namin nung marating namin ang finish line at impak, kung paano namin siya isinalansan ay ganun pa din ang pagkakaayos ng mga bag. dyan ko talaga na-prove na safest place to stay talaga ang singapura. this is really the place to be.



