this is life, and life is good August 22, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, senti.add a comment
life for me, is pretty much straightforward. i am reasonably comfortable with who I am and what I am about. even though doubts arise from time to time, there’s always this underlying drive or purpose, i should say, that sustains me. (more…)
one world one dream August 8, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura, truly asia.add a comment
sa kasalukuyan ay nanonood ako ng official opening ceremony ng beijing olympics. eksakto 8:08pm impunto nagsimula pero halos kalahating oras na ang lumipas nung nasimulan ko dahil may late activity ako sa opisina. excited din kasi akong makita na pumaparada ang buong delegasyon ng pilipinas maski na labinlimang manlalaro lang ang lalahok sa walong events ng olympics. at siyempre dahil si pacman ang flag bearer natin sa malamang ay ibang pacquiao ang makikita natin na mas nakasanayan nating makita na nasa lona na nakasuot ng gloves at shorts na hindi mo maintindihan kung shorts nga ba siya na tinubuan ng mga patches o mga patches na tinubuan ng shorts. biro lang manny ha. nai-imagine ko siya na pormang emilio aguinaldo na nasa limang piso na winawagayway ang bandila sa kawit cavite ang itsura niya. biro lang po uli.
iniisip ko pa ngayon kung tutuloy ba talaga ako sa beijing next week. bale meron akong events tickets na makukuha courtesy ng tropa ko na nagtatrabaho sa macau. kung tutuusin plane ticket na lang ang poproblemahin ko bukod pa sa sandamakmak na pagmamakaawa sa opis para payagan akong mag-time off at good to go na ako. meron na din akong single entry visa na nakuha ko last month. at kung tuluyan nga akong papalarin, malamang eh naka out-of-office reply na ako simula august 15 to 24. wohooo!!!
ngayong araw din na ito, 080808, sinasabi nila na masuwerteng araw daw dahil round figures daw ito, meaning maraming anda siguro. kaya naman, marami akong mga kakilala na nag-set ng kanilang mga kasal, nagpa-caesarian, nagpagupit, nagpamanicure, nagpa foot spa at kung ano ano pa dahil nga daw sa swerteng maidudulot ng araw na to. kaya nga rin dito sa singapura ay merong special TOTO draw na 8 million singapore dollars ang grand prize at for the nth time ay hindi na naman kami magkandaugaga sa opisina para mangahas na tumaya at makabilang sa libo libong sugarol sa islang ito na nangangarap na tumama sa kinalolokohang lottery draw. at kung magkamaling ang kumbinasyon ng mga numerong tinayaan namin ang tumama ay hindi ako magpapatumpik tumpik na pumunta sa travel agency kinabukasan para ipa-book ang pinakamahal na plane ticket papuntang beijing china at magpapa-escort service ako kahit pa ang pinakamahal na prosti ng tsina ang kunin ko. sana magdilang anghel ako lord. pwede naman di ba?
o sya, back to opening ceremony uli…
rexona August 6, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa.2 comments
hindi ko maintindihan bakit may mga taong pilit na pinapangalandakan nila sa buong sanlibutan ang pinaggagagawa nila, mga nagawa na nila at ang mga kaya pa nilang gawin at para bang pakiramdam nila titigil ang ikot ng mundo kung wala sila at hindi sila ang gagawa kahit wala namang katangi-tangi, kamangha-mangha at kagila-gilalas sa kanilang ginagawa at kaya namang gawin ng iba?
di kaya pinalaki sila na kulang sa atensyon at pagmamahal mula sa kanilang mga magulang kaya nabuo ang ganung pagkatao nila?
ang sa aki’y katanungan po lamang.
saberday August 2, 2008
Posted by bangad in kuro-kuro, lakbay-diwa, singapura.add a comment
na naman ngayon. sa malamang eh dito lang ako sa bahay para makapagpahinga. tulad ng mga walo sa sampung kakilala ko eh ganun na din ang naging routine nila at ewan ko ba, naging tipikal na nga sa akin ang tumambay, mag-imbentaryo ng kung ano ano, maglampaso ng sahig at maglinis ng banyo, pagurin ang mata sa kakapanood ng TFC, magdownload ng porno mga mp3 at pelikula, magsaltik at matulog ng buong maghapon tuwing sabado. siyempre isama mo na din ang pag-overseas call ko sa pinas para kumustahin ang tatay at nanay ko. pero mas nagugugol ko ang buong sabado na ilapat ang likod o magpagulong gulong lang sa kama (minsan nga dahil sa kasarapan ng pagtulog eh nahuhulog ako kasama ng limang unan ko, isang indikasyon na pwede pa daw akong lumaki). pambawi lang siguro dahil sa buong linggong nakasubsob sa trabaho (parang totoo). at ganun nga ang nangyari ngayong araw na ito. kung hindi pa tumawag ang nanay ko, eh hindi ko pa tatantanan ang pagtulog at baka kinabukasan na ako gigising.
nakalipas na uli ang isang buwan. ngayong agosto bukod sa ipagdiriwang ng mga lokal dito ang kanilang national day ay meron din silang tinatawag na hungry ghost month kung saan bale sa paniniwala nila ay bumubukas daw ang pinto ng imiyerno at naglalabasan ang mga kaluluwa. madalas makakakita ka ng iba’t ibang klase ng pagkain na nakalatag sa daan, nagpapausok ng insenso, mga bangkang papel at lanterns sa tubig para bigyan daw sila ng direksyon sa kabilang buhay at nagsusunog ng mga pera. sa malamang o hindi eh mga play money lang siguro ang sinusunog nila alam mo naman ang mga taenang intsik napakahigpit ng hawak sa pera, ung iba nga hindi na pantay ang lakad nila dahil pudpod na sa magkabilang tagiliran ang sapatos eh hindi pa sila makabili ng bago, ang pagsusunog pa kaya ng pera magagawa pa nila. kalokohan. so ayun na nga. eto pa ang isang paniniwala. magiging masuwerte ka daw sa buong taon kapag nakakita ka ng kaluluwang gala. sa tanang buhay ko, hindi ko malaman kung dahil sa aking mayamang imahinasyon eh makailang beses na akong nakakakita ng mga taong namayapa na. kung totoo nga ang mga nasusulat, eh hindi na muna ako kukurap at aabangan ko at sisiguraduhin kong hindi makakaalpas sa paningin ko ang mga lakwatserong mga kaluluwa na yan para lang maambunan ako ng suwerte. o pwede kaya silang mautusan na lang na magmulto at manakot sa mga tinik sa buhay ko hanggang atakihin sa puso, maging inutil na ng tuluyan para hindi na maghasik ng kakupalan sa mundo? kung mangyayari man ang mga ganito, ay sisiguraduhin kong ipauna na ang mga maaangas na gagong bumbay na naglipana dito sa singapura.

