ang huling el bimbo July 29, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa, senti.1 comment so far
mukhang na-LSS yata ako ng kantang ito. simula pa kanina sa opisina, habang pauwi ako sakay ng bus hanggang sa pagba-browse ko ng youtube sa bahay, ay walang sawa kong paulit ulit na pinapakinggan ang huling el bimbo (click link to hear filharmonika’s latest rendition featuring ely). kung bakit ito ang song for the day ko ay hindi ko rin alam. parang gusto ko lang magpakasenti at maramdaman ang pagka-miss sa isang taong ilang buwan ding naging bahagi ng pagkatao ko…at sa pagkakataong ito, hahayaan ko na lang muna ang mayamang imahinasyon at paglalakbay ng aking diwa sa isang ilusyon na mahagkan at maiduyan siya sa huling pagkakataon…
(more…)
just did it! July 27, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa, sige takbo, singapura.3 comments
finally i made it. yes! yes! and another yes!!!! i just finished the 10k mizuno wave run in 1 hour 10 minutes (6:24 min/km pace). gaya ng sinabi ko on my previous blog, ito yung first time ko na sumali uli sa marathon after 3 months at ito rin ang una kong sinalihan na 10k marathon. medyo naging maingat lang ako sa pacing kasi bukod sa magkahalong asphalt and gravel yung surface eh kailangang maging cautious ako dahil kagagaling ko lang sa sakit. pero satisfied naman ako sa naging result ng 1st 10k run ko. siguro naging factor na din dito yun disiplina, group support tska ang week-by-week training
with my officemates bukod pa sa strict diet na sinusunod ko. saka kanina medyo maganda yung panahon hindi masyadong mainit. pero alam ko i still have a long way to go lalo na at tatakbo din ako sa nike human race which i think would be one of the most physiologically demanding endurance event na sasalihan ko dahil 4:30pm ang start time nito. medyo iba din kasi ang impact ng extreme weather condition (high heat and humidity) sa magiging performance ng takbo. pero dahil sa pagkakatapos ko ng wave run, i feel i’m starting to get some consistency back and this will give me some focus over the next few weeks to continue working on getting faster.
running is a mental sport, and i’m insane! July 26, 2008
Posted by bangad in palakasan, sige takbo, singapura.add a comment
isang tulog na lang…takbuhan na uli. my first marathon attempt after i got sick three months ago. i still had many doubts but i’m pretty sure that i can finish the race. and there would be a lot of satisfaction in that.
i-top up mo mukha mo July 24, 2008
Posted by bangad in lakbay-diwa, singapura.2 comments
kanina habang papasok ako sa LRT at tina-tap ko ung EZlink ko sa entry card reader ay nag-indicate ang display na negative na yung pondo ng card ko. ito ung madalas na ginagamit dito sa singapura, bukod sa cash para magbayad sa alinmang public transpo (mapa-bus o MRT). sa ngayon nag-expand na yung system nito at pwede na ring gamitin sa pagbili ng mcdo value meals, supermarket at vending machines. sa hindi malamang kadahilanan ay nag-exceed ako this month sa normal budget ko para sa transpo. so ayun, kelangan kong mag top up sa ticketing machines pero buong 50 dollars ang pera ko. since ngayon ay petsa de peligro na dapat mai-allot ko evenly ang natitirang pera ko para sa lahat ng gastusin at hindi ko magamit lang ang singkwenta dolyares para sa top up ko. buti na lang at to the rescue ang malapit na mini store sa tabi ng LRT station at naisipan kong ipapalit ang pera ko. malayo pa lang ay abot tenga at ngiting aso ko nang nginingisian yung bumbay na tindero para mangyari ang binabalak ko. babatiin siya ng magandang umaga, mabagal na tatango bilang tanda ng paggalang sa kanya, iaabot ang 50 ng dalawang kamay at magalang na sasabihing ’sir, do you have any loose bills for 50 dollars?’ pero bago ko nagawa ang mga bagay na ito ay mukang natunugan na ng kolokoy na itik na magpapapalit ako sa kanya. (more…)
two years July 16, 2008
Posted by bangad in lakwatsa, singapura.add a comment
ngayong eksaktong petsa na ito, ginugunita ko ang ikalawang taon ng unang pag-apak ng mga paa ko dito sa singapura at taas noong masasabing bahagi ng 136,000 pinoy na nagtratrabaho dito; ikatlong taon bilang OFW. aba, milestone na para sa akin na dalawampu’t apat na buwan na nagpapakaalila dito habang dumadaan lang sa palad ko ang sahod na natatanggap ko. wala nang masyadong pagka-miss sa bayang magiliw di katulad ng mga unang buwan ko na nawalay sa lupang pangako.
at bilang pabuya sa sarili ko ay magpapakasaya ako sa bangkok simula bukas hanggang linggo. dapat sana nung april pa ang biyahe ko kaso nga nagkasakit ako. bakit ngapala hanggang ngayon eh di ko pa naiba-blog yung pagkakaratay kong yun? siguro dahil sa sobrang traumatic ang mga pangyayari kahit na sensational pa siyang masasabi kaya hindi ko pa maikuwento ng maayos. i digress. so ayun na nga, pina-rebook ko ang biyahe ko at eto nga just in time para sa aking 2 year anniversary. kaya ngayon may rason ako para magbakasyon. excited na nga ako at pati yung itinerary nagawa ko na. sana lang hindi maulan para at least ma-enjoy ko ang trip na ito…
mga dapat dalhin:
- pasaporte
- midyum sa pakikipagkalakalan
- buri hat
- antipara
- camera at tripod
- ilang piraso ng damit
- komportableng sapin sa paa
- good mood
mga pwedeng gawin:
- maghanap ng magagaling na sastre at magpatahi o magpa-customize ng long sleeves o iba pang kasuotan na aakma sa hapit ng katawan
- mamili sa mga naglulutangang palengke sa bambang
- mamasyal sa mga templo, makipagtalastasan at tuklasin ang mga karunungang matututunan sa mga monghe
- sumali sa crocodile wrestling show, magpadagan sa mga elepante at makipaglingkisan sa mga ahas
- aliwin ang sarili sa mga alindog ng mga transekswal
- panoorin ang tadyakan at basagan ng mukha sa muay thai
- magpakabusog sa mga authentic thai food
- lunurin ang sarili sa mga murang inuming nakakataranta
- magparetoke ng alinmang bahagi ng katawan na sa tingin ko ay di kanais-nais
- tooth whitening, crown, bunot, pustiso..mura dun
- magpa-facial, foot at hand job scrub
- i-treat ang sarili at lasapin ang sensasyong dulot ng thai massage
- magpahasa ng punyal, kung kinakailangan
- at iba pang off the beaten paths
bangkok, here i come! woohoo!!

